Mga pag-aaral tungkol sa ibat-ibang hanap-buhay ng pinoy. Maliit na negosyo at malalaking negosyo.



Hanap buhay

0 comments

Gusto ko na isulat ang mga iba't-ibang klase ng hanap buhay na aking nakikita at aking iimbestigahan. Gagawin ko ito siguro dahil sa gusto ko rin makahanap ng magandang hanap buhay. Isang hanap buhay na magpapabago sa takbo ng aking buhay. Sa madaling salita hanap buhay na maghahatid sa akin sa buhay na aking pinapangarap.

Nais kong humingi ng paumanhin sa mga taong nakasilip sa blog na ito. Hindi ako sanay sa tagalog dahil sa ako ay isang Bisaya. Pero sisikapin ko na ilathala ito sa tagalog para sa mga kababayan natin na nakakaintindi ng tagalog pero hindi naman nakakaintindi ng bisaya.

Marami akong hanap-buhay na gustong imbestigahan. Mga hanap-buhay na yun lamang may kinalaman sa pagnenegosyo. Hindi ko na siguro isasama ang hanap-buhay na may kinalaman sa pagtatrabaho, ang ibig kong sabihin eh kung ang hanap buhay eh nagtatrabaho lamang at hindi niya sariling negosyo ang kanyang pinagtatrabahoan ay hindi ko na isasali dito.

Ito ang mga napili kong imbestigahan o pag-aralan:

1. Pagtatricycle
2. Maliit na grocery o sari-sari store
3. Karenderia
4. Barber Shop
5. Bakery
6. Beer House
7. Pagtitinda ng gulay sa palengke
8. Pagtitinda ng isda sa palengke
9. Pagtitinda ng baboy sa palengke
10. Gasul Store
11. Beauty Parlor
12. Fried Chicken Stand
13. BBQ Stand
14. Mami Noodles Stand
15. Hardware Store
16. Motor Repair Shop
17. Rice Store
18. Tailoring Shop
19. Water Refilling Station
20. Computer Shop
21. Junk Shop

Ilathala ko dito kung anong klaseng negosyo ang tinutukoy ko. Kung pano ito sisimulan at ano ang mga kailangan na gawin para mapatakbo ang negosyo. Mga pros and cons ng negosyo. Siguro para itong guide ng isang negosyo. Pero hindi naman siguro ito matatawag na business plan, dahil ito ay hindi alin sunod sa paggawa ng business plan. Siguro magagamit ito para makapamili ang sino man sa mga nakalagay na guide na ito sa negosyong tinutukoy ko at sa gayon eh makadagdag sa kanyang kaalaman sa paggawa ng kanyang business plan.

Gusto kong makagawa ng mga pag-aaral tungkol sa mga negosyong ito. Napili ko ang mga negosyong ito dahil ito ang mga hanapbuhay na nakikita ko dito sa aming lugar. At sa aking palagay ay madali akong makakuha ng mga datus tungkol dito.

Sana matapos ko ang mga ito para mabasa ng mga taong gustong magkaroon ng ideya sa mga hanap buhay na tinutukoy ko.

Gusto kong ihandog ang pag-aaral na ito sa mga taong walang panahon para sa paghahanap ng negosyo. Katulad ng mga taong OFW na gustong makatulong sa kanilang mga naiwang pamilya at may nagiisip ng mga idea para sa kanilang naipong puhunan. Sana makatulong ito sa inyo ng husto. Siguro pati na rin sa mga taong gusto magsimula ng negosyo pero hindi alam kung ano ang sisimulan nilang negosyo.

More power to me god bless.


About me

  • I'm Juan dela Cruz
  • From Sta. Mesa, Manila, Philippines
  • Taong full of dreams...
  • My profile

Last posts

Archives

Links


ATOM 0.3